Dear Eat Bulaga,
Totoo, institusyon na ang EB sa buhay ng halos lahat ng Pamilyang Pilipino. Sa loob ng 36 na taon, milyun-milyung mga tao na ang napasaya at nabago ang buhay ng dahil sa programa nyo. Sa lahat ng premyong pinamigay, halakhak na naibahagi, at kahit mga luha na kumurot sa aming mga puso, salamat.
Kailan lang, muling nabuhay ang pagmamahal ng bayang ito para sa longest-running noontime show. Di natin maitatanggi na malaki ang papel ng samahang ALDUB sa pagpalo ng ratings para sa programang minahal na natin. Nakakatuwang isipin na sa isang iglap, nagkaron ng panibagong titulo ang ating bayan. #ALDubNation, ang tawag nila.
I'm one of the millions of fans of this loveteam. They share an unexplainable chemistry that make Pinoys feel "in-love" again. They appeal to almost everyone, regardless of age, gender, economic status, etc. Come to think of it, this loveteam is very powerful. I can only hope, however, that this loveteam does not turn out to be like many others who just let fame and money dictate their next moves.
Kailan lang din, sumikat ang pelikulang "Heneral Luna" na paniguradong pumukaw sa damdamin ng maraming Pilipino. Ginising tayo. Tila pinaharap sa salamin ng nakaraan para makita ang kasulukuyan nating kalagayan.
All these being said, nakikiusap sana ako, Eat Bulaga, kung pwede pa nating palalimin ng kaunti ang mga mensaheng pinapadala ng ALDub. Malapit na ang eleksyon, bakit hindi natin simulang gamitin ang ALDub force para maghikayat sa mga Pilipino na bumoto? Alam kong alam niyo na ang gusto kong sabihin.
Nang magannounce si Mr. Joey De Leon ng contest nyong naghihikayat sa mga Pinoy na gumawa ng orihinal na musikang Pilipino, natuwa ako. Dahil hindi nyo hinayaang maging kasing babaw lang ng pagtrend sa Twitter at pagkuha ng ratings ang loveteam na ito. Sinisimulan nyo na marahil (o pinagpapatuloy) ang isang pagkilos na tunay na TATATAK at magiimpluwensya ng PAGBABAGO sa ating bayan.
Sana sa mga darating na buwan o taon ng Eat Bulaga, dumami pa ang mga programa nyong hindi lang basta nakakaaliw, pero may mabuting mensahe sa lahat ng pagpapatawa at pamamahagi.
Once again, you have proven why you are the longest-running and number one noontime show. I do hope that this time, you bring the whole nation with you as you rise. Gisingin natin ang #ALDubNation. Handa na kaming kiligin sa pagbabago at pagunlad ng Pilipinas.
#ALDubbing Your show since 93,
Benok, isang Pilipino
I AGREE WITH YOU IN ANY WAY THAT IT CAN BE OF HELP TO EVERY FILIPINO, EXCEPT ABOUT ELECTION IN ANY FORM....MARAMING PARAAN NA MAKAKATULONG ANG EAT BULAGA THRU ALDUB...WAG LANG ANG TUNGKOL SA ELECTION KAHIT NA TUNGKOL SA OBLIGATION NG MGA TAO NA BUMOTO. . SA AKIN AYOKONG MALAMATAN NG DUMI NG PULITIKA ANG ALDUB. ANG MGA BARANGAY ANG DAPAT MAGKAROON NG RESPONSIBILIDAD AT TAYONG MGA BOTANTE DAPAT MAG-ISIP NA GAMITIN NATIN ANG KARAPATANG BUMOTO.
ReplyDeleteHi Crissa! Salamat sa comment. Hindi naman sa mabahiran siguro ng dumi ng pulitika, pero malaki ang matutulong nila sa pagpapaalala sa ating mga kababayan na gamitin ang isa sa pinakamakapangyarihan nating karapatan: ang bumoto at hawakan ang kinabukasan ng bayan. Pero tama ka, marami pang paraan para makatulong Bukod dito. :)
Delete